

Kasama ang Damayang Migrante (@damayangmig) kami po ay nagpadaloy ng Silong: Social Justice-informed Psychological First Aid (1 day) training noong unang linggo ng Hulyo 2025 sa Metro Manila.
Ito po ay nakaugat sa Sikolohiyang Pilipino at liberatory praksis, at inorganisa mula sa assessment nila matapos ang pagsasagawa ng relief operations sa isang sunog na nangyari sa Sta. Mesa. Mula roon, nakita ang pangangailangan ng kapasidad na makapagdaloy ng Psychological First Aid upang mas masamahan ang mga komunidad na kakaranas lamang ng krisis at disaster.

Punong-puno at makabuluhan ang naging daloy, kasama sa 1-day na programa ang:
1. Migrant Rights situationer na nagpalalim ng aming kaalaman patungkol sa kondisyon ng ating mga kapwa migrante at OFW
2. Masarap na vegan food mula @gulaylang
3. Dance battle gamit ang aming paboritong "Sayaw ng Kalayaan" na pagpapaila-ila / kilala
4. Pagbabahagi ng mga prinsipyo ng Social-Justice informed care, Kapwa at Ginhawa mula sa Sikolohiyang Pilipino
5. Look-Listen-Link na kilalang pangmalawakang framework sa pagbibigay suporta, na mayroong kritikal at praktikal na pag-eensayo gamit ang mga Kwento nila "Kuya Jo-Jo", "Nanay Sanjana", at "Ms./Mx. Theresita"
6. Pagpapahalaga sa sosyo-pulitikal, power dynamics, at kabuoang pagkatao (complex identity), gamit ang paglulugar ng sarili at ng sinusuportahan sa iba't ibang dimensyon ng pribilehiyo/sentro at pagkamarhinalisado. Ginamit po namin ang aming hinulmang Pagmamapa ng Psychosocial Impact at RESPECTFUL model.
7. Role play para maisapraktis ang PFA, na danas ang pagiging care provide, support seeker/care receiver, at observer (kung san may tinaguriang Best Actress)
8. Natouch/naiyak din po kami sa sharing / reflections ng mga participants, tulad ng isang Doctor at nanay na nagbigay ng affirmation sa ating paninindigan na makalikha ng lipunang magaan para sa lahat.
Salamat sa mga participants na piniling matuto at makiisa sa amin ng Sabado, puhon, sila'y magpatuloy na manindigan sa ginhawa ng kapwa Pilipino. Salamat din ng lubos sa mga kasama sa Damayang Migrante na tumutulong at rumeresponde sa panahon ng krisis, nagpapakain, sumusulong ng nakabubuhay na sahod para sa lahat, at nakikiisa sa mga magsasaka, migrante, kababaihan, manggagawa -- isa po kayong inspirasyon.
TRABAHO SA PILIPINAS, HINDI SA LABAS!



